Martes, Mayo 10, 2011

Sayang? Hindi rin.

Haaaaaaay.
Alam mo ba baby, sobrang lungkot ko ngayon. Kahapon malungkot din ako. Ngayon, malungkot na naman ako. :( Ang hirap ng kalagayan ko ngayon noh? Everything's so unsure. I have to make decisions. Decisions that I'm not ready to make. Chos. Meh ganon? Haha. Kailangan ko magdecide kung anong plano ko sa buhay. My gahd. Gagawa-gawa ako ng kapalpakan, dapat kaya ko harapin ang mga consequences. Bwiset lang talaga. Sa dami-dami ng gumagawa ng milagro, ako pa ang minalas at nabuntis. Ang nakakairita pa, ang talino kong tao, nabobo pagdating sa ganon. Bobo! Bobo! Bobo! Haha. Nakakairita talaga ako. Dapat alam ko yun eh. Actually, hindi dapat... Alam ko yun eh! Alam ko yung ovulation cycle, menstrual cycle, life span ng sperm, etc. Alam ko yung lahat ng yun kasi pinag-aralan ko yun eh. Ginawan ko pa ng scientific paper at powerpoint yung tungkol dun. Katangahan talaga. Bwiset. 

Well anyway, sabi ko malungkot ako, hindi galit. Haha. Ayan, dahil sa katangahan, kung anu-anong nakalulungkot na pangyayari ang naeexperience ko. Tulad nga ng sinabi ng mga magulang ko, tiisin ko nlng lahat ng sasabihin sakin na hindi maganda. My gahd. Huhu. Napaka-emosyonal ko pa namang tao. Ang hirap tiisin non pero kelangan tiisin. Mula nung May 6, tinitiis ko na ang mga ilang sinasabi nila na hindi maganda. Pero ngayong araw na to, hindi ko na ata kinaya at napaluha na ako. Wala naman nangyaring malala pero naluha ako eh. Kasi naman, si Kuya, gusto pa basahin chat conversation namin ni boyfriend. Sabi ko sa kanya "Invading privacy na yan eh." Tapos nagalit siya. "Dapat nga sa mga pinagagagawa mo, maging mabait ka na eh!!!" Sa loob loob ko, naging mabait naman ako for the past few days, pero kasi iba naman yung ginagawa nya eh. Hindi porket alam nyang buntis ako, nakipagsex ako at kung ano pa, eh dapat malaman na niya lahat ng ginagawa ko. Kahit naman papano I deserve some privacy. Dagdag pa niya "Pa-importante!! Wag kang hihinging tulong sakin ha!!!" 

Syempre, natakot at nalungkot ako sa sinabi niya. Kung tutuusin, ang swerte ko nga sa mga naging pakikitungo sakin nila Mama, Papa at Kuya. Hindi nila ko pinalayas at inaalagaan din ako. Pinaramdam pa rin nilang mahal nila ako at di nila ako papabayaan. Kaya hearing that from Kuya, nakakatakot talaga. Pero kasi naman, meh mga bagay naman na personal na masyado. Hay. 

Tapos kanina nung kumakain kami, may sinabi/tinanong ako ke Mama. Hindi ko na maalala kung ano yun, basta yun. Nagreact si Papa, "Yan ang hirap sayo eh! Yang pananalita mong di maganda. Hindi naman siya ganyan makipag-usap sa iba." Something like that. Alam ko naman na may times na pangit talaga pananalita ko. Yun ay pag naiirita ako at wala sa mood. Pero pag normal naman, matino naman ako magsalita. Sa pagkakaalam ko. Hehe. So ayun nga. Tapos sabi ko, "Bakit, pangit ba yung pagkasabi ko?" (in a mahinahon way). Tapos tinigil na lang ni Mama yung conversation. Tapos maya-maya, nabrought up na naman ang tungkol sa pagkasayang ng mga bagay bagay dahil sa pagkabuntis ko. Blah blah blah. Napapa-"tsk" daw sila mama most of the time pag naiisip yung bagay na yun. Okay lang daw sana kung meh trabaho na si boyfriend, kaso wala eh. 

Kung tutuusin, dapat nga sa ngayon, wala na ko sa puder nila eh dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Pero siguro wala din nga silang choice kasi wala naman trabaho si boyfriend. Jusmeng ano ipapakain sa'kin non. Lagi pa naman akong gutom. Kaya malaking pabor ang ginagawa ko ngayon. Naisip ko na ngang magpakalayo na lang kaso wala naman akong pera para gawin yon. Kaya habang hindi ko pa kaya, tiis tiis muna. :( 

Dahil sa pangyayari ngayong gabi, naisip ko, sa totoo lang, wala namang "nasayang" sa mga pinaghirapan nila para sa'kin. Isipin mo, UP graduate ako. Isa lang bagsak ko kumpara sa kuya kong napakaraming bagsak. Mas mura naman tuition ko kesa sa kanya. Meron at meron akong kakabagsakan na trabaho. Yun nga lang, nadelay ang pagttrabaho ko. Well, dapat kasi magmemed ako eh. Kaso nga nabuntis. Naisip ko tuloy ulit ngayon, parang gusto ko ng i-give up and pagdodoctor. Tutal, pinapapili din ako ni Papa kung papakasal ako at di na pag-aaralin sa med o papakasal ako at pag-aaralin pa ko sa med. Nung una mas gusto ko pa ipagpatuloy ang med, pero sa ngayong ganito, na masyado nila pinagdidiinan na "sayang" ako, parang gusto ko na lang magtrabaho after kong manganak. Para meh maipakita na kong sweldo. Para hindi na nila kailangan pa magpakahirap pa ulit para sa pag-aaral ko. Pag nagmed ako, mas pinaparami ko lang yung sakripisyo nila para sa akin eh. Mas pinapatagal ko pa ang pagsukli sa mga ginawa nila para sa akin. Sa totoo lang, "nasayang" lang yung mga pangarap nila para sa akin. Pero ako, hindi ako sayang. Hindi naman "nasayang" pinaghirapan nila eh. Kahit nabuntis at magka-anak ako at kahit di pa ko maging doctor, meh future pa rin naman ako. Yung nasayang lang eh ang  (1) opportunity kong makapasok sa med this school year, (2) opportunity kong makahanap ng trabaho if ever hindi magmed this year. Marami namang opportunity sa mundo.

Yun na muna. Nagutom na ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento